Tuesday, December 31, 2013

My 2013 in review

Just a few hours from now, the good (or bad) year of 2013 will come to an end, and the year of the Wood Horse will rise. Normally I'd post something of a sarcastic horoscope around this time but today won't be that day. Instead, I'll be posting the good and probably the bad things that made up my 2013 (as told by my facebook activity, and what would remain of my memory). So without further ado here's a recap of my 2013:


January

- counted all of my facebook friends by gender for a homework in my Multimedia class. I remember doing an infographic about it, passed on time, did some artsy stuff and I got 29/30 (I guess). My other friends got a perfect score even though they passed late (by a couple of minutes) and just had it simple. Oh life. So Fair.
- Ah! I was introduced to League of Legends. Didn't last though.
- Of course, our yearly trip to Cebu for Sinulog, and the first time I saw my relatives' hotel in operation. Cool hotel by the way. (I also rode the plane to Cebu while I was in my OJT uniform. One of my teachers saw me. I felt badass in a dorky way)
- start of Aljohn's 'Pythong Pasakit'. Oh the sleepless nights we thought would never happen again since we were done with our thesis. T_T


February

- Hegs mode for one of the tiresome projects in Multimedia (video editing). I actually hated this part because holy shit I just hate this part.
- and there's that thing in our Rizal class to do a comic strip out of the entire El fili. I despised my teacher ever since.
- Lolong (the big crocodile) died. I guess that was important too.
- And I guess around this month, we finished creating our python game which really was a pain in the ass?


March

- we actually finished the comics. aaaand our histo calbario was finished.
- Time to tidy up Banaag Diwa by this time....
- OH HAIL! GRADUATION! No words could express my joy.
- I also had my (first and I hope last) seizure attack which made everyone around me go nuts.
- and oh wait! Cum Laude! Oh what fun. My ancestors must be proud. hahaha
- A new pope sat on the throne. Something important for me.
- aaaaaand... this also marked the beginning of my night life. ;)
- too bad one of my teachers back in 5th grade died. Ms Taperla, you will always be missed. :(
- Oh, did I mention my graduation? with honors? :))))))


April

- Officially a bum. Nothing to do. Oh wait, there's still Banaag Diwa. hmm....
- Illumedia called me up for an exam.
- These were the times that I took up exams to get a job. oh the jobless life. hahaha
- I guess finished na ang Banaag by this time...


May

- Oooooh I got in Illumedia. Hello first authentic job!
- My first sweldo. yiiiiih.
- Also, it's my first time to go to Camiguin by land so something fun came in. Except for the travel. The travel time was longer than the stay.


June

- My birthday came, lots of people came to my party. It almost looked like a class reunion. wut.
- I got my license renewed.
- I got my first minion. yey.
- bought my boxing gloves too.


July

- started boxing. yey.
- I met someone. No matter how hard I think of the other good things that happened in this particular month, there's only one day that keeps popping up. July 13th. It's the first day (night actually) that I met this certain person that I never knew would become part of my life. I am very thankful for meeting that person, and that person became one of the best things I had in 2013. ;)


August

- I have no idea.
- Ah, my family had an R&R in D'Leonor inland resort. I guess that's something.
- and I think I got my Samsung Galaxy Win by this month. Or I think that was july. I dunno. I forgot.


September

- Spent the first hour of Christmas (as per Philippine custom) with the person in July.
- First time I went home at 5am. hahahaha. oh well.


October

- mmmm...
- Jollibee Cheezy Bacon Mushroom champ?
- that's gotta mean something
- Oh! and it's my first time to eat at Viking's.


November

- Carte Blanche happened. the night almost sucked because of some money issue but then at least this I got to meet this certain person in private. So I guess that night wasn't that bad at all.
- Went to volunteer for repacking some goods for the Typhoon Yolanda Victims which was nice. I liked it. Made me feel great.
- oooh. Watched a block screening of Catching Fire c/o Addu batch '88.


December

- oh the usual.
- parties
- raves
- reunions
- shats
- everything that we used to do with my family and friends. :)


that pretty much sums it up. I keep forgetting and I hate to scroll down my timeline so I guess that will do. My 2013 was fun, couldn't say it was the best but hey! 2014 better be better.

Wednesday, July 3, 2013

Shirt Design for The Vision





 

SHIRT MOCKUPS FOR THE VISION: THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF USEP-CBG MINTAL CAMPUS.


(All designs are made by me)

Monday, July 1, 2013

Isang Mapusong Kwento

Okay, para sabihin ko sa inyo hindi ako yung tipong madaling manghusga sa mga tao in terms of love or relationships, kasi sino ba naman ako para manghusga eh ako nga mismo walang magandang lovelife. Except na lang kung itong isang 'friend' ko eh, hindi na 'friend' ang turing sa akin. Ewan ko lang kung the feeling is mutual. Pero sana... hmm... basta. Pang next time na yan.

Anyway, nung Saturday, tinawagan ako ng kabarkada ko nung hayskul (na kabarkada ko parin naman hanggang ngayon) na pumunta sa bahay niya para magpa consult sa kanilang internet connection. Hindi daw kasi maka connect yung laptop niya sa wifi nila. Huwaw. Akala ko ba web designer ako, bakit naging networks specialist na ako? Kaya ayun, diretso ako sa bahay niya para mag imbestiga. Hindi ko na ikukuwento lahat ng nangyari sa bahay na iyon kasi hindi naman tungkol dito ang kwento ko.

Ang kwento ko ngayon eh tungkol sa nangyari after sa bahay ng kabarkada ko. Since may sasakyan akong dala that time, naisip nitong mokong kong kaibigan na pumunta muna ng S&R para bumogchi ng pizza at para gatasan na rin kasi bagong sweldo lang (at nalaman ko ring ako lang pala ang earning sa aming magbabarkada kasi kung hindi pa sila natatapos sa 5-year course, eh nag r-review sila para sa licensure exam o kaya mag m-med. Shet. ). Tinawagan naman nito yung isa naming kabarkadang babae para pumunta rin sa S&R para makipag bonding, kasi matagal na kaming hindi nagkikita. Pumunta naman si girl dala ang kanyang Toyota Mirage na pula.

Ayun, before nila ako ginatasan, lakwatsa muna sa buong bodega (para kasing isang malaking sosyal na warehouse ang S&R eh). Pagkatapos nun eh bumili kami ng isang slice ng pizza (kasi malaki), tsaka isang french fries (kasi malaki din) tsaka isang baso ng softdrink (kasi unlimited siya at yakang-yaka para sa lahat). Hindi na sumalo sa amin yung kabarkada kong ulol na nagpatawag sa akin sa bahay niya kasi mag r-review pa daw siya. Pero ang totoo mag b-basketball lang yun kasama ng mga college friends niya. Pft.

Pero ito na yung exciting part. So diba kami na nga lang naiwan ni friend na girl? Eh ano pa nga ba ang pag-uusapan namin edi LOVELIFE. Alam na. Kinuwento ni girl yung relationship niya with her current, pati na rin yung mga nakasama niya dati since highschool. Ako, kahit aware sa mga past niya (though yung isa dun, hindi ko talaga kilala), nakinig na lang din ako at baka may mahugot pa akong mga kaalamang hindi ko pa pala alam.

Et Voila.

Tama nga ako! Matapos kong pakinggan ang kanyang talambuhay, eh nalaman ko ngang hindi ko pa talaga kilala lahat ng mga lalaking nakasama niya. Pero hindi naantig ang puso ko sa kanyang mga past relationships, naantig ako dun sa sinabi niya kung ANO ANG TUNAY NA PAG-IBIG.

Ang sabi kasi niya, akala niya noong una na ang love daw kasi ay yung todo sacrifice sa minamahal; todo bigay and all that shit, pero na realize niya from one of her ex's na hindi pala ganoon yun. Hindi pala sacrifice ang tunay na pag-ibig. Kung hindi sacrifice, eh ano? Mga friends, according to my dear beautiful friend, mature love is UNDERSTANDING each other - kung tama ang pagkakaalala at pagkakaintindi ko kasi minsan may tendancy na maglakwatsya ang mind ko sa... ano.... ahmm... yung sa ano... ay... ah...

huh.

So yun nga. True LOVE is not about todong buwis-buhay na sacrifice but UNDERSTANDING each other. Hindi mo kailangang isakripisyo ang sarili mo para lang mahalin ka ng isang tao kasi it's sort of stupid. Kung mahal niyo daw ang each other, you should understand and try to accept the flaws - flaws mo, flaws ng partner mo, flaws ng relationship niyo. Hindi naman talaga kasi perfect ang relationship eh. Kahit anung gawin mo, mag-aaway at mag-aaway din kayo - maybe not because of your doing, but maybe because of external factors. Pero that's the thing eh. Pag naiintindihan niyo ang disposition niyong dalawa, edi magagawan niyo rin ng paraan ang relationship niyo to work. You will help each other to be better people. You will help each other para umangat, para umunlad, para maging successful. Hindi lang yung isa lang ang gumagalaw. Hindi rin kasi dapat one-sided ang love. Hindi dapat na siya lang nag e-effort tapos ikaw, understand ka lang din ng understand. Dapat reciprocal yan, kumbaga. Walang building na isang tao lang ang nagtayo. It takes effort and cooperation from both parties. Chos.

Pero maybe then kasi, experience niya yun kaya ganun yung meaning ng love para sa kanya. Iba-iba din naman kasi tayo ng experience eh. Hindi naman tayo si friend. Baka iba din yung meaning ng love para sa akin, o para sa inyo. Pero one thing's for sure, ang love, LOVE. Hindi na magbabago yan. Kung mahal mo ang tao, edi mahal mo. Sabi pa nga ni Fatima sa 'The Alchemist' ni Paolo Coelho, 'You love because you love. There is no reason for loving.' Kunwari nagbabasa ako ng libro.

Pero seryoso. Love is love. Huwag nang umangal. Huwag lang din magpakatanga. Kaya kayo, magmahal kayo responsively. Weigh in the consequences. Pag kayong dalawa eh hindi nag improve, mag-isip-isip na kayo kung ano ba talaga ang relationship niyo. It's not about who gives more. It's more about reciprocity and improvement. Chos.

-----------------------------------------------

Guys, penge ng tatlo at kalahating kilo ng ACHECHE para sa post na ito!


Tuesday, June 25, 2013

Suntukan na!

Kasi na excite ako ng sobra kahapon kahit na ang boxing lessons eh mag s-start pa next week, bumili ako kahapon ng boxing gloves at hand wraps. Hindi ko aakalaing mas mahal pa sa inasahan kong gagastusin ko ang nabili kong gloves, pero keri lang. Pangmatagalan din naman ata tong gloves na nabili ko. 'Stig pa nung design o. Pwede na akong sumigaw ng 'THIS IS SPARTA!!!!!'

Ansarap nang manuntok. Talaga.

Monetary damage: P 1,735.00.
Breakdown: 
 - Boxing Gloves: P 1,500.00
 - Hand Wraps: P 235.00

Ang naiwan na pera: More or less P 500.00. Kakayanin pa hanggang sa susunod na sweldo!!!! 

Monday, June 24, 2013

Medyo Happy Birthday sa Akin: Isang Late na Post

Sa mga hindi nakakaalam, kakaraos ko lang ng aking ika-21st birthday nung Friday, 21st of June. Ang post na ito dapat ginawa ko nung Saturday eh kaya lang nawalan ako ng gana tsaka napagod ako kasi alas kwatro na na ng madaling araw natapos ang inuman naming magka-klasmeyts nung college. Hindi rin naman ako nakapost nung Sunday at kahapon dahil... ano, wala lang. Tinatamad ako eh.

Pero anyway, better SUPER late than never. Andami kong gustong ipagpasalamat para sa raw na iyon starting sa kung ano'ng nangyari early in the morning of Friday.

Ginising ako ng parents ko ng maaga kasi magsisimba daw kami. Ritual na namin yung magpapamilya na magsisimba kami sa morning ng birthday namin. Buti na rin kasi matagal na akong hindi nagsisimba. Tumataas na yung sungay at buntot ko. Kailangan ng bawasan. Ang ganda pala talaga kapag inuna mo si Lord every morning. Nakakagaan ng pakiramdam. Ang mas maganda pa niyan eh after ng simba eh dumaan kami sa ampunan para magbigay ng mga donations para sa mga batang inabanduna ng kanilang mga magulang at yung may mga sakit. Hindi na kami pumasok sa ampunan kasi baka ma distorbo ko pa lang sila. Pinaabot ko na lang yung mga donations sa isang babae na feel ko caretaker doon. After noon eh kumain muna kami sa pambansang fastfood ng mga Pilipino - Jollibee - at umorder para kay ate sandali, hinatid ang pagkain sa kanyang office, umuwi ng bahay, naligo at umalis para kumayod.

Work related, pumunta kami sa Ateneo de Davao para i promote ang workshop ng aming company at mamigay na rin ng free slots sa 3 lucky students. It was around 9am nang nakapasok ako ng school, since I had to drop by LTO pa to get my license (kumo-conyo lang). Kaka renew ko lang kasi sa driver's license ko kaya ayun, dumaan muna ako sa LTO before ako pumasok ng school. Hindi lang pala si Lord ang makakapagpagaan ng araw ko. Nang kinuha ko ang license ko sa station 4 ng LTO eh doon naghihintay ang isang babaeng taga Ateneo na feel ko eh nag O-OJT kasi suot niya ang OJT uniform ng ADDU. Shit. Ganda niya. Na starstruck ako. Chinita kasi. Bigla nanamang bumalik ang approach anxiety ko sa mga babae pero that time gusto ko na talagang makipag-usap sa kanya, kaya lang time constrained ako eh. Kailangan ko na talagang umalis that time, kaya yun! Pagkatapos kong kunin ang renewed license ko eh umalis na ako agad papuntang school.

Waiting there sa school were my teammates: Dana, Herson and Kertnym. Medyo eksena lang ang aming arrival kasi ang araw na iyon eh orientation day ng lahat ng divisions/schools/clusters ng University. Napadpad kami sa orientation day ng Computer Studies, at nasaksihan ko uli ang orientation day na na experience ko during the years I spent with my beloved computer studies cluster back when I was in college. Siyempre, andun yung mga corny na jokes ng mga host, yung pagpapakilala ng mga teachers sa curriculum na bago na, and talent show ng mga 6thfloorians (CS cluster people). Ang bagong addition lang eh ang live update ng score ng Game 7 ng Miami Heat and San Antonio Spurs.

Anyway, when it was our time to speak in front of the whole CS cluster, ito ba namang isa kong teacher dati sa college eh sumigaw ng happy birthday sa akin habang papunta kami ng teammates ko sa stage. Eh anu pa nga ba, yung naiwan kong mga friends na nag-aaral pa eh sumigaw din bigla. Medyo madami-dami din sila ha. Ang ending, kinantahan ako ng halos buong CS cluster ng happy birthday. Anak ng tupang 5 meters ang bangs! Nahiya tuloy ako konti. Pina speech pa ako ng emcee, at ang nasabi ko lang eh, "I did not expect this." Charot.

And after ng appearance namin sa stage, after ng lahat ng commotion, eh umalis na kami sa Finster Auditorium kung saan ginanap yung CS orientation. Pero before kami umalis para sa office kasi
pinapabalik na kami, kumain muna kami saglit sa Kebab sa labas ng school. Nanlibre ako ng milk tea sa mga kasama ko kasi birthday ko daw. Pakisama lang. Habang bumibili kami ni Kertnym ng milk tea, nakikiusosyo ako sa mga nagtitinda tungkol sa NBA. Dinig ko eh lamang na daw yung team ko - Miami Heat. Si ate naman na nagtitinda ng milk tea eh sa spurs yung boto niya. Panay sigaw si ate kapag hindi na sh-shoot yung bola o kaya inagaw. Nakakatakot si ate.

After naming kumain eh dumaan muna kami sa SM Ecoland. Since napag-isipan nila Herson at Dana na kung pupunta kami sa office diretso, wala kaming maaabutang tao doon kasi lunch break pa, kaya dun muna kami sa SM tumambay at nagpalamig. Habang naglalakwatsa kami sa Bench sa loob ng Annex, tinext ako ni Kertnym na binaba namin sa UM bolton bago kami pumunta ng SM na nanalo daw ang team namin sa NBA. CHAMPION ANG HEAT, BABY! WOOH! Isa nanamang panalo ito para sa inang bayan! Mabuhay!

Dala ang galak sa buong araw dahil sa pagkapanalo ng Miami Heat eh bumalik na kami sa office. Medyo natagalan nga lang kasi nasiraan pa kami ng sasakyan. Buti na lang pumunta agad si daddy para ayusin yun. Medyo madali lang naman eh, hindi ko lang talaga alam papaano yung kukuriin. So yun, pagdating sa office, crunch time agad. Trabaho. Pero pagdating ng alas tres, break time sa office, pumasok si Ma'am Jaja, yung nagbibigay ng sweldo sa amin tuwing pay day, ng isang cake for me. Ginagawa nila ito tuwing may nag b-bertdey sa office. Kinantahan nanaman ako ng mga officemates ko. Todong hiya na talaga to. Kaka 1 month ko lang sa office, dito pa talaga ako nag celebrate ng birthday, meron pa talaga akong cake care of Illumedia. Honsoyo.

To top it off, ito pa talaga ang araw na natapos ko ang aking training. So hindi na 'Web Designer Trainee' ang title ko kundi 'WEB DESIGNER' na talaga. Walang 'TRAINEE'. Ang saya. Bonafide web designer na talaga ako ng illumedia. Medyo. Actually, on probee pa ako, pero malapit na rin yun sa regular. Konting push na lang. 6 months lang naman eh. Magandang Bday gift na yun. At since level up na nga ako sa company, level up na rin ang sweldo. OHVER!!!

Pero the best sa lahat eh kahit na medyo late na ako nakaalis ng office kasi ang daming revisions sa ginawa kong design sa isang mockup ng website, ay nakapunta pa rin ang mga classmates ko nung college sa bahay to celebrate my birthday with me. YEY FOR FRIENDSHIP! Pero hindi ko talaga inasahan na halos buong klase, andun sa bahay. Haha. In fairness, parang mabibilang mo lang sa fingers yung mga classmates ko na hindi pumunta, pero buti na lang talaga kasya yung pagkain, kasi kung hindi, hello sa corned beef. Actually parang reunion na rin ata yun namin. Sa dami ng mga pumunta kong classmates parang 5 years kaming hindi nagkita. Hahaha. Nakakabungal. Pero grabe talaga pasalamat ko sa mga classmates ko na ito kasi dumalo sila sa birthday ko. Na miss ko rin din naman sila eh so buti na lang talaga. Medyo matagal din silang nakauwi ha. In fair, antagal natapos ng inuman namin. Yung iba, bandang alas tres na sila nakauwi sa kani-kanilang mga bahay. Ang naiwan na lang eh yung isa kong classmate na late na dumatin at yung parati niyang kasama na classmate ko din. Mag aalas kwatro na kami natapos sa aming usapan at inuman.

Shit. Best Bday ever.

So this time let me enlist the things that I would like to thank for for making my best birthday possible:
1. Yung babae sa LTO na nagpa heaven sa aking feelings even just for a moment
2. LTO para sa aking license, and for another 3 years, makakagala nanaman ako sa Davao gamit ang sasakyan ng parents ko
3. Sir Stony kasi sinigaw mo talaga ang 'Happy Birthday Ralph!' sa CS Orientation
4. Sa mga naiwan kong classmates sa school kasi kayo talaga nagpasimuno ng pagkanta ng halos buong CS Cluster ng happy birthday sa akin. Q niyo guys! hahaha. PEACE.
5. Sa Illumedia, para sa cake na binigay niyo, sa level up niyo sa position ko at, sa raise ng sweldo ko
6. Sa mga classmates ko na pumunta sa bahay ko. Sa susunod, kung sino man ang mag b-bertdei, sa Brgy. Hall niyo na i celebrate. Madami po tayong mag k-klasmeyts.
7. Kay kuya John2x (na tito ko) for giving me this wonderful unan. Sabi niya since hate ko daw si ryzza, at wala daw siyang makitang kamukha niya, ayun! Binigyan niya ako ng unan na Monsters Inc.
8. Sa mga pinsan ko na 12 midnight pa lang, pumasok sa kwarto ka at nag iwan ng lemon square cheesecake na may candle sa taas, kahit natutulog pa ako. Sarap ng cheesecake.
9. To my mom and dad for making the celebration possible
10. and finally to God, for giving me another year. Thanks God! :)

Ah, hindi na talaga ako babata pa. Hindi talaga mapipigilan ang growth and age, pero this remains: my friends, my family, and God. Kayo daw ang inspiration ko eh. So thank you guys for being with me for the past 21 years of my life. Kayo ang boss ko. Charot.

pahabol...

11. Nanalo nga pala ang Miami Heat! WOOT! Ipagpunyagi!!!

Thursday, June 20, 2013

CS GUY


Kasi nga medyo clingy ako sa division ko, kaya eto, ginawa ko si CS Guy - ang batang taga Computer Studies na may angking kakayahan sa pagiging imbisibol at kumontrol ng anumang teknolohiya. Actually, ang idea nito eh galing sa isang shirt design na nakita ko sa FB fanpage ng Paintline T-shirt Printing. Yung tshirt na may CBA tigers na design. So yun, since wala din naman akong ginagawa sa office kasi walang nagbibigay ng task, sinimulan kong gawin ang ulo nitong si CS guy. Kahapon pa yun. Actually, kakatapos ko lang nito. Bago lang. 

Sa totoo lang, happy naman ako sa outcome eh. Actually, gusto ko ring gumawa ng CS girl kaya lang pagod na ako ngayon eh. Next time na lang siguro. Pero today has been a good day. Thank you, CS guy! mehehehe

Sunday, June 16, 2013

Isang Nag-aalab na Happy Father's Day sa Inyong Lahat


Hindi si superman ang tatay ko, pero siya ang pinaka strong na taong nakilala ko.
Hindi rin siya si Richard Gomez o si Sir Chief, pero siya ang pinaka poging tatay na mahihiling ko.
Hindi rin naman siya si Donald Trump, pero lahat ng kailangan namin, na p-provide niya.

Ito tatay ko. Simple. Walang arte. Matapang. Palaban. Matalino. Mapagmahal.

Kahit na walang araw na hindi ko siya nakikitang nagagalit o napapamura about something tuwing umuuwi siya dito sa bahay, at kahit hindi ko siya araw-araw nakikita, siya pa rin ang nag-iisa, katangi-tangi at walang ibang dad na mamahalin ko forever and ever.

Salamat, de, sa mga sakripisyong ginawa mo so far para sa ating family. Alam ko hindi madali maging ikaw kasi ang dami-dami mong inaasikaso everyday sa work. Malayo ka pa naman sa amin at alam kong nangungulila ka rin sa amin pag andun ka sa Mt. Diwalwal. Pero appreciate na appreciate namin ang mga efforts mo. Iniintindi namin parati kung saan nanggagaling ang init ng ulo mo everytime. Tumatahimik na lang kami pag nagsesermon ka na. Pero kahit ganyan ka, kahit ang init ng ulo mo ang parating nauuna, love ka pa rin namin nila ate and mommy. You're the best kasi eh! Ikaw na!

Sorry if nakakadagdag kami sa problema mo minsan, pero ganito na talaga kami eh. Hindi namin namana sa iyo ang restraint sa pag-iinom. Hindi rin namin namana sa iyo ang skills mo sa mga bagay-bagay. Actually nakuha ata ni ate yung pagkamainitin ng ulo mo, tapos nakuha ko naman yung talino at kapogian mo. Pwede na yun. Pramis, i t-try naming magpakatino kahit minsan lang. Try-try lang din pag may time. Sayang naman efforts mo sa pagpapalaki sa amin tapos ganito lang kami. Tsk tsk.

Pero anyway, dahil sa efforts mo, at sa unending love na binibigay mo sa amin, itong araw na ito ay para sa iyo. Happy Father's Day, de. Pramis, makikita mo rin ang apo mo galing sa akin soon-ish.
Sana.

Hanap muna ako girlfriend na pang forever ang drama.

Tuesday, June 11, 2013

Araw ng Kalayaan Special: NBA Finals Game 3


At nagdiwang nanaman ang mga Spurs fans ngayong araw na ito. Tinambak ng San Antonio Spurs ang Miami Heat sa score na 77-113. Pabor na pabor sa spurs ang laban. Kaya lang parang binigay lang naman ata ng Heat ang game 3 sa Spurs eh. Pero okay lang. Hindi naman talaga ako fan ng NBA eh. Pinost ko lang to para updated kuno ako. Pero ayon sa aking psychic powers, ang miami ang kukuha ng trono ngayong finals. Isang beses pa lang akong nagkamali sa buong buhay ko sa panghuhula sa NBA finals. Last year lang yun. Nararamdaman kong hindi ako magkakamali this time. Nararamdaman ko talaga sa guts ko. Nararamdaman ko.

#GoHeat

Mga Pagbabago sa Mundong Ito


Naramdaman kong kinailangan ko ng bagong logo para sa sarili ko. Medyo na o-outdate-an na ako dun sa una kong logo eh, yung with wings? Kaya eto. Since wala namang nagbibigay ng task sa akin kaninang umaga sa office, ginawa ko muna to. Para sa akin mukha siyang modern design meets vintage logo achoochoo achoochoo. Pwede din siya'ng logo ng kapitan ng barko. 

Kahit ano na.

Basta gusto ko tong bagong logo ko. Modern-ish.

Monday, June 10, 2013

Back to School na... sila...

Sa mga private school, ngayong araw na ito ang simula ng bagong klase. I'm sure maraming excited diyan - lalung-lalo na yung mga mag c-college na at yung mga umaasang g-gradweyt na sila sa college. Sino nga ba naman ang hindi?

Madami na akong nakikitang mga posts sa facebook at twitter tungkol sa kanilang mga experiences sa frist day of school. New classmates, new crushes, new teachers, new enemies, new subjects, new surroundings, at iba't-iba pang new na nandyan. Kahit nga mga beteranong college people diyan, yung mga mag S-SUMA at mag M-MAGNA... SUMAsampung taon at MAGNA-nine years na sa college eh meron ding sariling mga first day of school experiences. Walan katapusan ang new-new na yan. Sabi nga nila, there's always a first time, kahit sa mga may kararanasan na.

Pero hindi para sa mga may pasok at bagong pasok ang post na ito. Andami na kaya nilang mga posts sa mga social media sites, sasali pa ba 'to? Huwag na oi! Ang post na ito ay para dun sa mga nag move on na sa school, mga mag m-move on pa lang at dun sa mga medyo clingy na ayaw mag move on. Alam ko na alam nating lahat na alam din ng iba na ang sarap i reminisce ang first day of school, o kahit yung mga everyday experiences nung nag-aaral pa tayo. Sa mga ganitong edad kasi, nagsisimula na yung reminisce2x. Kumi-clingy na. Tumatanda na kasi.... :/

Anyway, naaalala niyo pa ba yung unang araw ng pasok niyo? Kasi ako, medyo malabo na. Pero sa pagkakaalala ko eto yung time na pinaka excited ako. Of course, sino nga naman ang hindi ma e-excite sa unang araw sa college, eh sabi nga nila college is the best fun you can have after high school. Dito sa college, dito na yung ultimate saya, dito na yung experiment kung experiment, dito wala kang matatagpuang drama, unlike nung sa highschool na pwede ka nang sumali sa audition ng Miss Saigon o kaya ng The King and I, mananalo ka pa ng best actor/actress, o kaya best supporting actor/actress nang walag ka effort-effort. Sa college, you can be who you want to be. Tama nga naman sila. Dito ka talaga sa college mag b-bloom.

Ako kasi, ako talaga pumili ng course ko. Walang kahit anong external factors kung bakit ko pinili ang course ko gaya ng "Sabi ng parents ko, mag d-doctor daw ako eh... So I chose Bio muna...", o  kaya "Sabi ng parents ko, mag l-lawyer daw ako eh... So I chose Pol Sci muna", o di naman kaya "Kasi andun barkada ko sa engineering. So I chose engineering na." IT talaga ang choice ko. Sinubukan ng parents ko na ibahin yung choice ko ng konti pero wala eh. Lakas ng tama ko sa IT eh. Pero buti na nga lang kamo eh natuloy ako sa first choice kasi kung hindi, baka mag M-MAGNA na din ako sa college. Kitams mo din nga naman, grumadweyt pa talaga akong Cum Laude. Hehe.

No Joke. Seryoso.

Pero reminiscing the past, yung first day talaga yung epitome of all excitement sa college (except sa graduation. Epitome of all excitement sa college din yung graduation). Kasi, pagpasok ko pa lang sa Roxas gate ng Ateneo, bumalandra na agad ang mga naggagandahan at nag s-seksihang mga chiks. Wow. Hanep. Naisip ko tuloy sa sarili ko, "This is it! Eto na talaga! Bloom na kung bloom! College, andito na ko", and all that shit. At pagpasok na pagpasok ko pa lang sa first class ko, siyempre, hindi ko kilala ang mga taong andun. Andaming mga bagong faces. Andaming mga naggagandahan at naggagwapuhang mukha. Napaisip tuloy uli ako, "Hnnnnnnngg.... "

Pero siyempre, bilang isang nanggaling sa Ateneo highschool, taas pa rin ang Atenean pride, pero with humility na may halong harot. I remember the first few people I talked to were two ilongga girls na mag friends since highschool, and one girl from Baganga who was back then still 14 years old. 14 years old siya, mga kaibigan, at nasa college na siya. Sa pagkakaalala ko, yung si 14-year old girl na yun ang naging kasa-kasama ko sa school everyday since then. Sabay kami nag l-lunch, sabay kami nag-aaral, sabay din kami umuuwi. Anlapit lang pala kasi ng bahay namin sa each other. Pero before this turns to a love story, sasabihin ko na sa inyo, walang nangyaring "ganun" sa amin. We ended up just being friends because well... I was being a jerk.

ANYWAY....

Yung mga first few people na na mention ko, throughout the course of my college life, nawala sila. Isa-isa. yung isa after first year, di na nagparamdam. Yung isa dahil sa isang Kleptomaniac issue, di na nagpakita sa amin, Yung isa naman... Yung isa naman lumipat ng ibang school dahil ata sa akin. Pft. Drama. Pero all is well. Kahit wala na kaming communication sa each other, sa tingin ko naman we still remember each other. *Insert madramang kanta*

Naaalala ko rin, nung unang araw ng college, wala akong kasabay mag lunch. Solo trip kung baga. Pero buti na nga lang habang naghahanap ako ng mauupuan sa cafeteria, nakita ko ang dalawa kong friends from highschool. Good thing same school kami ng pinasukan kasi kung hindi, emo-emohan ang drama ko that time. Mas malala pa sa MMK yung masusulat ko.

And other few "new" things pa na na remember ko nung first day of school eh yung pagkakilala ko sa isang classmate na hindi na rin namin nakasama after first year. It turned out na isa pala siyang sikat na blogger. You guys know Kevin Pacquet? Yep, naging classmate ko siya for a sem ata or a year. Di ko na alam saan siya ngayon. Posts sa FB na lang niya ang nakikita ko. But recent news I heard, he is going to conduct a workshop on wordpress. Hanep. Bigatin si friend.

Tapos andun din yung ma d-differentiate mo talaga kung sino yung mga higher years sa mga freshies kasi yung mga first years, naka civillian pa. Eh, yung mga "ate's and kuya's" naman, naka school uniform na. Meron din namang mga first year na naka school uniform na pero klarong-klaro pa ring first years sila dahil sa kanilang suot na temporary ID. Palusot pa talaga. Pero ako, loud and proud. Civillian kung civillian. Hindi ko pa kasi nakukuha that time yung pinatahing uniform. Tiis-tiis muna tayo. Hehe.

Actually, madami pa akong mga "new" things nun eh. Andami kong mga "FIRSTS" na gusto kong sabihin kaya lang medyo kinakalawang na yung memory ko. Andami nang memory gaps. At total, nag r-reminisce lang din naman ako, ititigil ko na rin to bago ako maging ultimate "clingy-ngero". Gradweyt na ako eh. May trabaho na ako. Medyo kumi-clingy nga lang. Nakiki-uso lang din sa mga may bagong pasok at sa kanilang mga "First Day of School" posts. Nakaka miss lang ang school days. Konti.

Clingy.

Pero anyway, kailangang mag move on para sa ikauunlad ng Inang Bayang Pilipinas. Kaya move forward, mga clingy! Tama na ang ang pag reminisce ng first day of school! May trabaho pa tayo bukas!! (Para sa mga employed. Para naman sa mga wala pang trabaho, move on- move on din tayo pag may time ha!?)

Sunday, June 9, 2013

Nakakaloka si Oprah


At may bago nanamang miyembro ang aming angkan. Oprah ang pangalan niya. Oprah kasi... alam niyo na. Pramis hindi ako nagpangalan sa asong 'to. Nagulat na nga lang ako pagdating nila papa galing prabins, may uwi-uwi na silang puppy. Oprah talaga. Hahaha. Foota. 

Mukhang may bagong aawayin nanaman si Tara (yung isa ko pang asong akanampoota kung magselos.) Sana maka-survive tong si Oprah hanggang sa maging mas malaki siya kay Tara, tapos pwede na sila mag world war III ng kani-kanila lang. Ipagdadasal kita, Oprah. Ipagdadasal kita.

Thursday, June 6, 2013

Yung Ginagawa Ko Pag May Idle Time sa Office


2 hours left, uwian na. Wala na silang binibigay na task para sa akin. Ano naman gagawin ko? Hmm... Gawa na lang ako ng miracle sa photoshop.

*Ilang minuto ang lumipas*

Poof! There's coco crans! Medyo haggard pero yan lang nakayanan ko eh. Vector-vector lang kasi kaya ko. Wala din akong tablet/pen para pan drowing. Mouse lang ang meron ako. Wala eh. Poor tayo eh. Sensya na. Eto rin sana gusto kong i submit para sa wall design ng office. Pwede na guro to. Sana pagpalarin.

Wednesday, June 5, 2013

Namimihasa ang Bathala ng Ulan, ah


Ayon sa weather report ng BING, makakaranas pa rin ng matindi at umaatikabong ulan ang Davao. Malilinis nanaman ang mga sasakyan ng hindi pa oras. Magkakaroon nanaman ng dagat sa siyudad. Babaha nanaman ng mga posts sa facebook, twitter at instagram ng mga videos, pictures at madramang kwento tungkol sa kanilang experience sa baha at brownout. Manginginig nanaman sa sobrang takot ang aso kong si Tara. Napakasakit, kuya Eddie. Napakasakit.

Pero teka, birthday ngayon ng friend ko. Paano na yung birthday niya? Oh hindiiiiii!!!! Babahain yung bday niya! Sayang yung handa! Sayang yung inuman! Sayang yung pagkaing iinstagram! 

Napakasakit na talaga, Kuya Eddie. Napakasakit.

Medyo Umuulan Pero Keri Lang

Ansaya pa kamo ng laro ko sa World of Warcraft kanina eh. Kakagawa ko lang ng bagong character dun sa race na nagiging werewolf. Kakatapos ko lang din gawin yung mga common quests tapos di umano, sa walang pasabi-sabi, biglang bumagsak ang isang napaka lakas na ulan. Hindi naman first time yan dito sa Davao, naka ilang beses na nga yan dito eh. Ang kakaiba nga lang dito eh mas nakakatakot yung ulan kasi may kasama siyang OA na kulog at kidlat. Wagas kung maka kidlat ang Bathala ng ulan ngayon, ultimo yung aso naming si Colleen na atapang-a-hayop, napaluhod niya sa takot. Sa sobrang OA ng kulog at kidlat, nagka brown out tuloy sa amin. Bwiset. Napahinto tuloy ako sa paglalaro ko. Kainis. Kaya yun, walang choice, labas ng kwarto, kinuha ang isa ko pang asong takot na takot sa kulog at kidlat at kinandong ko sa aking mga kamay with a brotherly luuuuuurve.

So sa buong earth hour na yun, wala kaming magawa. Ako, yung aso ko, pinsan ko, tito ko at kasambahay namin. Patagalan na lang sa pag tutok sa kandila. Baka pa may maka discover sa amin na marunong pala kaming kumuntrol ng apoy. Malay natin. Panay din pala ang pag sound off ng alarm ng sasakyan tuwing magkakaroon ng malakas ng kidlat at kulog. Adik na sasakyan, napaka sensitive. Konting haplos lang mag-iingay na. Parang baby. tsk tsk.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik na yung kuryente at balik uli kami sa normal na buhay. Umuulan pa rin ng malakas. Biglang tumawag si ate, magpapasundo daw sa may office nila kasi abot tuhod na ang baha. At bilang isang mapagmahal na kapatid, at sa tingin ko ay may ikakasuhol naman ata tong kapatid ko, eh pumayag naman akong sunduin siya. Siya at ang kanyang boyfriend actually.

Kukunin ko na sana ang sasakyan, kaya lang paglabas na paglabas ko sa pintuan, bumulaga sa akin ang isang bahang-bahang kalsada. Hala. Ang laki ng baha. First time ko makakita ng ganito sa labas ng bahay. Ay meron pa pala dati. Highschool ako. Pero iba yun kasi morning. At since na amaze ako, pati na din ang tito ko at pinsan ko, siyempre anung ginawa edi nagpapicture sa baha. Paano ba naman? Anlaki kaya? Bihira  lang din bumaha sa subdivision namin no. Kaya ayun, avail ang mga loka.

As expected, walang matinong daanan ngayong gabi. Puro baha na lang nakikita ko. Abot tuhod, abot bewang, lampas ulo ni Mahal. Andami kong niliku-likong mga daan, mas malaki kasi yung baha kaysa sa subdivision. Umuulan pa talaga ng malakas. Walang choice. Pero na realize ko bigla, diesel nga pala tong sasakyan, tapos ang taas2x pa ng orientation nito. Pwede ko tong isulong sa dagat kung gugustuhin ko. Hala sige! Sulong sa baha!

Ilang likung-likong daan at malalalim na baha din ang sinuyod ko para lang masundo ko si ate ang kanyang boyfriend. Nung nasundo ko na sila, nalaman kong galing pala sila sa inuman. Nagpaka tipsy nanaman tong ate ko. Mantakin ba namang imbis na matakot sa laki ng baha at lakas ng ulan, nang encourage pa talagang suyurin ang mala dagat na baha?

Ate: Go Babs! Kaya mo yan! WHOOOOOOOOO!!!!
Boyfriend niya: WHOOOOOOOOOOO!!!!!
Ako: WHOOOOOOOOOOO!!!!

Mga adik. Oo. Alam ko. Ganyan na talaga kami eh.

Pero dahil isa akong malambing at maaalahaning kapatid, naalala ko din na pwede kong gawing pagkakitaan ito. Sabi ko, "Oy, may bayad kayo sa akin kasi sinundo ko kayo. Lakas pa naman ng ulan, baha pa talaga ng over over."

Ate: 50 pesos lang pera namin. Ay eto, 150 pala.
Ako: Bilhan niyo ako burger.
Ate: Anung burger?
Ako: Kahit ano. McDo. Yung regular lang.
Ate: Okay.

Kaya lang nung damaan kami sa McDo, may nakaharang sa drive-through kaya suggest ni boyfriend ni ate, "Backyard burgers na lang."

Hihindi pa ba ako sa offer? Go na oy! Kaya ayun, diretso sa Backyard burgers. Sale pa naman ngayon. Binilhan nila ako nung Garshroom Bacon Burger. Sarap. Laki nung burger. May kasama pang fries. Busog lusog nanaman ako nito sa kwarto. Mwaahahaaha.

Sarap pala maging driver minsan. Sarap ng libreng burger. Sarap ng buhay. Dapat maulit pa to. Ma stranded pa sana sila sometime para may Backyard Burger uli ako. Mwaaahahaha. Availer lang.

Tuesday, June 4, 2013

What Makes A True Alpha?

Estimated Time: 11:12 pm - Sunday - June 2, 2013.

It's almost midnight and we're still on the road from our trip from Camiguin. Everyone was restless from the almost 12-hour trip, especially my dad who was (and always will be, as long as

he's capable) the designated driver of our vehicle. We had a 3-vehicle convoy, our car took the lead. I can tell that he was getting drowsy, tapping the steering wheel like it was a cajon or

some musical instrument just to fight back the drowsy spell. Out of concern, my sister asked my dad to pull over and let me drive instead so that he could rest and get a good sleep. We were

at the northern part of Davao, a few kilometers away from Francisco Bangoy International Airport, and from there I could drive us home safely. Dad however, did not pull over nor did he say

anything. He just continued driving.

After a few minutes of driving, dad finally pulled over to stretch, and so that my cousin who was riding on another other vehicle could transfer to our car. The vehicle that she was riding

was going to another route so she had to move to ours. Soon after, we were on the road again. Dad still drove the car. He was relentless, he always had his alpha male ego out. He couldn't -

wouldn't - be stopped. He still is a bit drowsy while driving. Sheesh. Good thing though we arrived at our house safe and sound after 30 minutes. Thank God for that. Home, finally.

If there's one thing I admire about my dad most is that he is the epitome of an ALPHA MALE - you know, the confident, charismatic, strong guy that every girl, gay or even guy wants to be

with? Well, he's that guy. It just so happens that.... ay pota. Nauubos na english ko. Tama na. Dugung-dugo na ilong ko. Pinoy time!!!

So yun, sabi ko nga kanina, yung tatay ko, isang napakalaking eksampol ng isang ALPHA MALE. Sa mga nabasa kong libro at sa mga kilala at mga kaibigan kong mga ALPHA, nagpapaka ALPHA at

nag-aakalang ALPHA, ang pagiging alpha daw kasi ang karuruk-rurukan ng isang pagiging lalaki. Lahat titingala sa iyo, lahat ng tao makukuha mo aura mo pa lang.

Itong tatay ko, punung-puno ng ka-ALPHA-han. Sa sobrang pagkapuno eh dumating na sa point na nakakainis na. As in yung hindi na siya ALPHA, JERK na. Hambog. Feeling alam lahat. Parang ganun.

Sa tingin ko, ito kasi si father, sa tingin niya eh dahil mas matanda siya, at mas may experience, akala na niya siguro eh alam na niya ang lahat ng bagay sa mundo. Kesyo mali daw tong bagay na to, kabobohan na. Kapag hindi sinunod yung gusto, namali, katarantaduhan na nung gumawa. Tapos masasaktan pa feelings niya bigla pag nagkwento siya tapos babarahin ni mother. Tampo agad. Hindi magsasalita. Pero yung ayoko sa lahat, biglang iinit ang ulo niya tapos sisihin ang ibang tao kahit siya naman yung mali. Ewan. Dahil na din siguro yan sa kanyang dugong Waray na galing sa mama niya. Psh.

Don't get me wrong. Hindi ko naman sinasabing hindi ko gusto father ko. Sa katunayan, love ko kaya dad ko. Ang galing kaya niya mag provide sa mga needs namin. Hindi siya gaya ng ibang tatay

diyan na papabayaan na lang ang mga anak nila para gumala sa kanto at lalaklak ng alak buong magdamag. Hindi ganyan dad ko. Actually nga, wala siyang bisyo eh. Hindi marunong uminom,

hindi naninigarilyo, at walang record ng drug abuse. Higit sa lahat, wala akong naitalang record sa isip at puso ko na sinaktan niya kami ng ate ko physically. Walang palo, walang hampas ng

sinturon. WALA. As in wala. Medyo masakit nga lang magsalita pero alam naman nating lahat ang technique niyan diba? Parang FIFO algorithm lang yan. First in, First out sa tenga ang mga words.

Napaisip ako tuloy, ano nga ba ang tunay na ALPHA? Pero more importantly, ano ang tunay na lalaki? Sila ba yung atapang-atao, wala a-takot? Sila ba yung mala bruno mars na mag j-jump in front of a train for you? Sila ba yung hindi nagpapayong at nag-a-apply lang ng SPF 40 sunblock lotion kapag lumalabas ng bahay sa ilalim ng isang napakainit na sikat ng araw? Sila ba yung go pa rin ng go kahit alam na nilang lampas na sila sa limit nila? Sila ba yung mga nag g-gym at nagpapalaki ng maskels sa katawan, at nagpapa abs para ibigin? O sila ba yung andami ng mga babaeng pinadaan sa kanilang mga kamay, pinaabig, tinira, biniak ang puso at iniwang luhaan at sugatan? Hmmm....

Pero ito lang ang alam ko. Base sa experience ko sa mga taong nakahalubilo ko - mga ALPHA, mga PUA, at pati na sa mga kaibigan ko, sa tatay kong halos parating galit at umiinit ang ulo, at sa

lahat ng kantang narinig ko mula kay Bruno Mars, hindi sukatan ang muscles sa pagiging lalaki. Hindi sa dami ng babaeng naihiga at natira sa kama ang batayan sa pagiging alpha. Hindi pagiging matapang sa ano mang bagay ang kahulugan ng tunay na lalaki. At hinding-hindi sila bumibiyak ng puso ng sinumang babae. Kahit kailan.

Kung magkakaroon man ako ng anak na lalaki sa near future, ito ang iilan sa mga ibibilin ko sa kanya:

Huwag na huwag siyang magpapaiyak ng babae. Kung kailangang siya ang magpatahan, gawin niya. Dapat niyang alalahanin na ang bawat babae ay parang ina na rin niya - Ginagalang. Nirerespeto.

Alagaan din sana niya ang kanyang ina at ang kanyang (mga) kapatid na babae (if meron). Kapag wala ako, siya ang tangi kong aasahan.

Huwag umastang matapang always. May kinalalagyan ang tapang. May tamang lugar. May tamang oras. Hindi sa lahat ng minuto eh naka on ang switch kanyang tapang. Matuto dapat siyang

magpakumbaba, umamin ng kasalanan, at higit sa lahat matakot - sa mga nakakatanda sa kanya, sa mga maaring magawa niya, sa mga maaapektohan niya at higit sa lahat, sa Diyos. Okay na rin ang

ipis. Walang lalaki ang hindi natatakot sa lumilipad na ipis.

Huwag lumaki ang ulo. Di porke't mas matalino ka sa iba, aapakan mo na ang katalinuhan nila. Ikaw ang matalino, ikaw dapat ang unang hindi humusga. Sa una mahirap pero malalaman niya rin yun.

Huwag humanap ng away. Ang kamao niya, ang katawan katawan niya ay templo ng Diyos. Ang katawan nating lahat, isang templo. Huwag siyang maghanap ng gulo. Kung may makaka engkwentrong away,

gawin niya dapat ang lahat na lumayo sa panganib. Gumitin niya sana ang kanyang utak at hindi ang kanyang kamao. Gamitin lang sana niya ang kanyang lakas kung kinakailangan at wala na

talagang magawa. Pero kung maaagapan pa, gamitin ang utak at bibig.

Manalangin. Walang mas nakakahigit pa sa isang mataimtim at malakas na panalangin. Kausapin sana niya ang Diyos ng madalas dahil siya lang ang may kakayahang gumabay sa kanya sa tamang daan.

Narito man kami ng nanay niya sa kanyang tabi para maging gabay, ang Diyos parin ang nakakaalam kung ano nararapat.

Psh. Drama. Pero sige na nga lang. Bayaan niyo na ako.

Ako, inaamin ko sa sarili ko, hindi ako Alpha. Hindi ko pa alam ang kahulugan ng isang tunay na lalaki. Wala pa ako sa kalinkinan ng pagka ALPHA ng tatay ko. Kakaunti pa lang ang nalalaman

ko. Pero itong mga nalalaman kong ito, gagawin ko na lang itong gabay, o kaya basis. Sa Panahon ngayon, hindi naman natin malalaman kung sino talaga ang tunay na lalaki eh. Puso-puso na lang,

sabi nga namin nga mga kaibigan ko. Pero pwede na rin to. Wala naman talaga atang requirement para sa pagiging tunay na lalaki eh. Basta't responsable ka lang at alam mo ang ginagawa mo, at may nakabitay sa gitna ng mga paa mo, eh matuturi ka nang isang tunay na lalaki.

Saturday, February 16, 2013

Oh tadhanang napaka fair, nakasali pa sa Job Fair

Akala ko hindi na talaga ako makakaabot sa last day ng job fair sa school today kasi nag overnight kami ng mga kasama ko kakagawa ng aming month-long project sa Python. Mga alas kwatro na ng madaling araw kami nakatulog kanina at ang sabi pa namin eh pagdating ng alas diyes, aalis na kami para maka avail ng mapagtatrabahuan. Ang nangyari, mag-aalas diyes na, hindi pa rin kami nakakabangon. Dumating pa yung ibang classmates ko. Mag sh-shoot daw sila sa bahay para sa isa pang project sa Multimedia class. Na shock ako. Hindi ko alam na may mag sh-shoot pala sa bahay ko today. Pero wa kebs lang. Sige. After lunch na lang ako pupunta sa school.

1:30 pm. Sakto lang ang pagdating ko sa school at kaka resume lang ng job fair from a lunch break. Madami-dami pa rin naman ang mga companies na andoon pero kung i co-compare kahapon, mas madami talaga kahapon. I was hesitant at first na pumunta sa mga representatives kasi nahihiya pa ako. Pero since naunang mag inquire yung kasama ko, eh nilakasan ko na rin ang loob kong pumunta sa table ng napupusuan kong companies para mag apply. Sa 90+ companies na sumali sa Job Fair na iyon eh 4 lang ang pinuntahan ko. Ang apa na iyon eh ang JG Summit Holdings, JP Morgans and Chace Co., Illumedia Outsourcing and ArtGrafix Co, yung huling dalawa ang talagang trip ko kasi in line siya sa aking graphic-ness. Charaught.

The first two companies were very much promising kasi they were big ass companies. When I say big, it's really really REALLY big. As in. Ang ganda ng training and benefits plus very nice representatives. The last two were of my type kasi they are in the multimedia side. Both asked me for a portfolio of my work, kaya lang wala akong dala that time so I redirected them to this blog kasi sabi ko I post SOME of my works here. Right then and there, I remembered - konti pa lang pala posts ko so I said konti lang ang mga works na na post ko dito. So the first company, Illumedia asked me to send them two of my best works through email. So I sent theme these:

 The first one's the logo I created for my division last year. The second one's my logo I created out of fun just a month ago. These may not be the best that I had made pero I guess they count for something.

The second company, ArtGrafix, asked me to bring my portfolio when they call me for an interview. Aaah. Na t-tense ako. Hindi ko alam kung ano na mangyayari sunod pero I hope it's something better.

Pero I do hope that I get a good and descent paying job soon. Or kahit mga 3 months after graduation pa. Sabi pa naman ni Papa na mag rest muna ako after graduation and mag work na ako 1-2 months after graduating pa. Pero I still do hope for the best.

Aja! Go for the gold na ito! :)

Thursday, February 14, 2013

Isang Nag-aalab at Mapusong Post Tungkol sa Valentines


Ang araw na ito ay puno ng kakornihan at mga langgam sapagkat ang araw na ito ang pinaka cheezy na araw sa buong taon - VALENTINES, o kung sa dayalekto pa ng iba, VALEMTAYMS. Kayo na. Kung sa school ko kayo nag-aaral eh umagang-umaga pa lang eh makakatikim ka na ng matatamis na mga aylabyu at hapi balentayms greetings. Pagpasok na pagpasok mo pa lang sa gate eh may makikita ka nang mga babaeng may dala-dalang bouquet ng mga bulaklak, mga paper bag na halatang stuffed toy ang laman o di naman kaya ay isang truck ng chocolates. Ang daming pasabog sa araw na ito sa school. The best yung narinig ko mula kay kuya operator ng elevator. Sabi niya, sa kasagsagan daw ng pagka busy namin sa aming pagkabalisa sa exam namin sa Economics eh may nag propose di umano na isang lalaki sa isang babae. Malamang. Ang sabi, paglabas daw ni babae sa elevator eh inabangan daw ni lalaki si girl sa floor kung saan siya bababa. Na surprise ang lahat dahil sa may dala-dalang flowers si lalaki. Na shock si babae siyempre. Nag propose naman daw si lalaki. Ang ending, hindi tinanggap ni babae ang flowers at ang proposal. Boom! Wasak ang mundo ni lalaki. Pahiya tuloy siya sa madlang people na naki usyoso that time. Hindi siya sinang-ayunan ng universe. Kinontrata ata ng babae. Yun ang tinatawag kong Valentines Fail. Masakit. Direct to the ngala-ngala. Forever a scar.

Pero siyempre, mas marami pa rin ang mga cheezy moments today. Lalung-lalo na mamayang gabi sapagkat mapupuno na naman ang mga hotel, motel, mga park, mga restaurant, lalung-lalo na ang the peak at magkakaubusan din ng condom. Natural lang. Panahon ng pag e-ekspres ng pagmamahal ang araw na ito eh. Sa katunayan nga, meron din akong sariling expression of nararamdaman moment. Kanina sa robotics habang pinupuga ko ang brain cells ko kakaisip ng paraan para umandar yung robot namin sa kung ano'ng gusto namin eh may biglang kumatok sa room at binigay sa akin ang isang mabilog na bagay na nakabalot sa aluminum foil at may kalakip pa na heart shaped churvaness. Burger. Isang burger galing sa Hollywood Burgers. Yung pictures sa taas. Burger yan. Ang sabi ng nagdala eh galing daw kay STAR. Sino si Star? Ewan. Basta kung sino man siya, salamat sa Balentayms geps mo sa akin. Nakakataba ng puso. In a good way. Ma-cholesterol na kasi puso ko eh.

In conclusion, ang araw na ito ay masaya, mapula, makeso, ma-langgam at higit sa lahat puno ng pagmamahalan. Kung single ka, huwag kang mag-alala. Andyan pa rin pamilya at mga kaibigan mo. Mamahalin ka nila. Tsaka swerte mo rin, wala kang aalahaning gastos para sa kain for two, pang hotel/motel at condom. Pasok na yan sa banga. At sa mga may kasama naman, praise the Lord! Magpakasaya kayo ngayong araw na ito sapagkat sa inyo ang araw na ito... kasama ang iba pang mga nagmamahalan diyan. Pero sa inyong lahat, mag-ingat sa araw na ito, at always remember, "KUNG WALANG CONDOM, IPUTOK SA LABAS"

Happy Valentines, guys! :)


Thursday, February 7, 2013

Puryagaba This Shirt


Nung sinabi kong susuportahan ko ang aking division, sinabi kong susuporta talaga ako. Hindi ko naman inexpect na mapupunta ang pera ng support ko sa shirt na ito. Okay, sa mga hindi alam, eto po ang college days shirt ng aming division. Sa mga hindi nakahalata, ang image po sa color violet na t-shirt na iyan ay isang chameleon. Oo, isang chameleon. Isang kaawa-awa, walang alam, walang kamuwang-muwang na chameleon. Sa siyam (9) na division kasi ng aming university (sa Ateneo de Davao po ako nag-aaral), may mga tig-iisang mascot ang bawat division na nagsisimbolo di umano ng kanilang specialty. Swerte nga nung iba eh kasi ang angas-angas nung mga animal mascot nila:

  • Natural Science and Mathematics - FALCON
  • School of Nursing - PANTHER
  • School of Arts and Letters - PHOENIX
  • Business and Management - VIPER
  • Accountancy - GRIFFIN
  • School of Education - SHARK
  • Social Sciences - DRAGON
  • School of Engineering and Architecture - TIGER
  • Tapos kami, Computer Studies - CHAMELEON
Actually, meron pa'ng isang division - Philosophy - at OWL ang kanilang animal mascot. Kaya lang nitong pasukan lang sinabi ng kataas-taasan na ang Humanities division at Philosophy division ay i co-combine at gagawin silang School of Arts and Letters. At yun nga, ginawa silang isang division. In-adapt na nung mga dating taga Philosophy division ang mascot ng mga taga Humanities division na PHEONIX. Pero may nagbebenta pa rin ng college days shirt na owl ang design para magbigay galang sa Philosophy division.

So anyway, balik tayo sa t-shirt na ito. Sa lahat ng college days shirt na nabili ko na ang design eh pansuporta sa aking natatanging division, eh ito na ang pinaka-malamya, pinaka-nakakaasar, at pinaka-nakakadisgrasyang college days shirt na nabili ko sa halagang 180 pesos. No offense to the designer ha pero mas maganda pa talagang tignan yung shirt ng ibang division kaysa sa amin. Binalak ko pa ngang kumuha nung sa School of Education tsaka sa School of Nursing kasi ang astig-astig ng shirt nila. Yun yung matatawag mo'ng College Days shirt talaga. Ang makukuha mo lang sa shirt na to eh, ano... Ah... Pamabahay na shirt. Oo, yun. Pamabahay na shirt. Isang makulay, maaliwalas at bading na kulay na pambahay.

Pwera biro, hindi ko talaga ito susuotin sa Cheerdance competition kahit tutukan pa nila ako ng baril at sasabihan nila ako na hindi daw ako sumusuporta sa division ko, o kaya babantaan nila akong papatayin nila ang aso ko kung hindi ko susuotin yan sa cheerdance event this Saturday. Nek nek niyo! Mas gugustuhin ko pang suoting yung college days shirt ng division ko last year kaysa sa ito. Eto, pambahay lang talaga to eh. Pambahay! Tsk tsk tsk.

Pero anyway kokey, sabi pa nga ng teacher ko sa Economics, sunk cost na ito. Hindi ko na mababalik yung pera kahit ano'ng gawin ko. Accept-accept na lang tayo nito. Gusto ko lang naman talaga eh isang memorabilia ng huling college days ko. Huling taon ko na kaya ito sa college, dapat yung pinaka strong na memorabilia ang dapat kong makuha. Hindi gaya nito na pasadong-pasado sa pamabahay shirt stock. Pero sige na nga lang. The first step to peace is acceptance. Ata. Kaya sige, mamahalin ko na lang ang shirt na ito kahit hindi ko gusto. Pero para sa division ko, gagawin ko lahat para suportahan kayo.

Let's go CS!

*Cue in ma-dramang background music. Yung tipong makakapagpa-init ng damdamin, at makakapagpa-inspire ng todong-todo. Yung makakaluha ang tao sa sobrang burst of emotions. Go. *

Wednesday, January 30, 2013

Something About Tumblr and Blogger

Bago ako napadpad dito sa blogger (uli, actually), doon muna ako tumambay ng pagkatagal-tagal na panahon sa tumblr. Ewan. Wala lang. Gusto ko lang kasi yung features niya, lalung-lalo na yung user interface. Maka user-interface kasi ako na tao eh - medyo visual - tsaka gusto ko yung medyo user friendly na interface na madali kong maintindihan. Ganoon kasi ang dating sa akin ng tumblr dati nung una kong pasok eh, noong medyo hindi pa siya mainstream tsaka hindi pa siya lumaganap sa sangkatauhan. Ewan. Love at first sight ata.

Isa din sa nagustuhan ko sa tumblr dati eh yung pagkakaroon ng dashboard na makikita mo lahat ng fina-follow mong tumblr blogs. Meron din kasi siyang parang social networking churva, parang twitter na may pa follow-follow na scheme. Actually, sa tingin ko nga, mukha lang siyang pinalaking twitter. Mas madami nga lang ang masasabi mo. Kumbaga isahan na lang. Pero higit sa lahat, nagustuhan ko ang tumblr dati dahil may SENSE pa ang mga post ng mga bloggers doon. Ngayon, parang ewan na yung iba. Nabibilang na lang sa mga phalanges ko yung mga natitirang tunay na nag b-blog. 

Kasi tingnan mo, friend ha. Dati-rati, kapag binubuksan ko ang aking tumblr account, ang gaganda ng mga nababasa ko - mga hinanaing ng mga bloggers about their adversities in life, mga pictures ng mga exciting moments nila sa kani-kanilang mga trips sa buhay along with some explanation, mga baon-sa-hukay-deep thoughts about existence, mas marami pang pictures tungkol sa kanilang buhay, movie reviews, nakakatuwang sharings tungkol sa purpose ng kanilang life at kung anu-ano pang mga posts na masasabi kong sensible. Ngayon, tsk.  Parang awa, ramdam ng mga adipose tissues ko na wala nang kwenta ang iilan sa mga posts na nakikita ko sa tumblr. Para na rin siyang nagiging facebook sa dami ng mga ka-ewan-an. Sayang na sayang.

Gets ko naman din na ang pag b-blog ay pag e-xpress ng iyong feelings through a post. Pero what's happening in tumblr right now is that, it's not anymore about expressing one's feelings through a post, rather, people are posting to be famous. Pagandahan na lang ng post at masasabi. Pabonggahan ng mga salita. Pa-amaze-an ng mga edited pictures. Padamihan ng likes, reblogs and shit. Ano yun? Art and Literature Museum? Akala ko ba blog site?

Okay, maybe medyo reaction paper ako about that pero looking at the posts there, right now, I don't know. Maybe dapat matagal na pala akong lumipat from tumblr pabalik dito sa blogger. I was here first before tumblr even existed, anyway.

Teka, bitter ba kamo because I was a nobody there? Wala masyadong nag l-like sa mga posts ko? Not much reblogs? No one really reads? Nah. Not really. Okay lang naman sa akin eh. I just don't like the fact na people are actually using such a blogging site to gain fame or whatever. I know there are some of those  they call TUMBLR FAMOUS who deny that they are called famous, and say that they're not really that famous, and TUMBLR FAMOUS doesn't really exist. Yung iba, down to earth, yung iba naman sinasabi lang yan to gain more fame at magpabango sa kanilang followers. Pero meron talagang iba na ang nasa utak lang talaga is yung pagiging famous. Teka mga parekoy, kung ginusto niyo talagang sumikat, edi sumali na lang sana kayo sa mga star search o kaya ano, pumila sa ABS-CBN o kaya sa GMA o kahit saan ba. Magmakaawa kayo sa mga tao doon, lumuhod kayo kung gusto niyo, para gawin kayong artista para at para sumikat kayo. Kayo na bahala. Huwag niyo lang talagang gawing avenue of katarantaduhan ang isang may malaking potential sanang blog site. Nawawala yung essence ng blogging eh.

Now, I'm not saying na TUMBLR today is panget or wala nang kwenta. It's just that tumblr, due to its becoming too mainstream eh halos nagiging mainstream na rin doon yung ka epal-an ng mga tao. Kumbaga, yung ka epal-ang yun eh parang virus, naglilipat-lipat from one site to another. Parang unang dumapo sa friendster, tapos sa facebook tapos sa tumblr tapos bukas siguro, lalaganap na yun sa kung saan-saan pang mga sana'y magagandang sites. Huwag naman po sanang dumapo sa youjizz. Ay, kay pait ng kapalaran 'pag nagkataon... oops! 

Pero I'm not losing any hope I have left for tumblr. I know meron pa ring mga natitirang matitino ang pag-iisip at tunay at matapat ang hangarin sa tumblr. I know some people there who really do and I hope they don't get lost. I've been in tumblr for a couple of years and I've seen its transition from good to bad, but I can still see some light. I'm not losing any hopes yet. But as for now, dito muna ako sa blogger kasi dito I don't get to see the bullshit and the drama I often see in tumblr. Might be good for my health too. :)

Saturday, January 26, 2013

Mga Pang-asar ng Mundo sa Tao


Kahit ano talagang gawin mong matuwid sa buhay mo, meron talagang ibabatong pang-asar sa iyo ang mundo, no? Parang pinaparusahan ka ng mundo dahil wala lang, trip lang. Pampabwisit lang sa iyo kasi natutuwa ang mundo sa mga kabiguan at pighati mo. Siyempre, hindi naman magagawa ng earth ang mga pang-asar na ito ng kanyang sarili, diba? Matakot ka kaya kung siya ang gagawa niyan mag-isa, siyempre meron siyang mga agents na handang pahirapan ka, at ikatutuwa pa talaga nila. Narito ang iilan sa kanila:
  1. Epaloids - Eto yung mga taong saksakan ng epal. Laging papansin, laging nagpapalaganap ng sakit ng ulo, laging nakakainis. Sila yung mga nakakasama mong parati na lang namb-bwisit sa iyo araw-ataw - nangungutang, nakikisuyo, nang-aasar, nangangantsaw, nanlilibak, kahit ano na. Ang tangi nilang rason kung bakit sila pinanganak ay ang asarin ka sa buong buhay mo. Sila ang natural na kampon ni Taning na handang pasakitin ka habambuhay. Kasali na dito yung mga chismosa sa kanto, iilang pulitiko, aso ng kapitbahay mo'ng walang ibang ginawa kundi i-display ang yagbols sa kalsada, math teacher mo, pati na rin yung batang sipunin na nakikita mo sa simabahan every sunday. Grabe, yung bata, yung tumutulong sipon niya talaga, pang-asar - pure evil, I tell you. Pure evil.
  2. Yung konduktor ng jeep na nagpapasakay ng pasahero kahit puno na - Ito ata isa sa mga right hand ng panginoong ng kadiliman. Kitang-kita na kasi nila na punung-puno na ang jeep, tapos magpapasakay pa talaga ng isanlibo pang pasahero. Saan lupalop naman ng ka jeepney-han ilalagay ang mga yun, aber? Tapos sila pa minsan tong nagagalit na hindi daw umuusog ang mga pasahero para magbigay daan sa mga sasakay pa, eh itong mga pasahero na nga eh hindi na nakaupo ng maayos. Tatawa pa minsan kapag pinagagalitan siya, natutuwa ata sa kahirapan ng mga pasahero eh. Minsan ang sarap nilang tapunan sa mukha ng balat ng durian tapos ikikiskis ng buong puso para lang magtanda.
  3. Yung professor/boss mong panot - Meron talagang mga taong natutuwang ubusin ang pasensya at enerhiya mo kakabigay ng mga requirements tsaka trabaho eh, ano? Lalung-lalo na kapag nagbibigay sila ng mga karagdagang workload kahit hindi pa tapos yung ginagawa mo. Kitang-kita na nga nila na hirap ka na kakagawa ng trabaho, kakagawa ng project, halos buong gabi nagtrabaho na ka na, pati kaluluwa mo handa mo nang i-alay sa mga engkanto para lang mapabilis mo ang ginagawa mo, eto sila - nagpapakasaya, natutuwa sa hirap ng iba. Panira pa talaga 'pag napasa mo na ang ginawa mo tapos sasabihing nilang i re-reject ang project/work mo kasi tingin nila hindi binigyan ng effort. Ang sarap lang buhusan ng kumukulong mantika.
  4. Maderpaking LAG - Ikaw, pag hindi ka nainis sa lag kapag naglalaro ka, grabe, ikaw na ang diyos ng pasensya. Kahit mag lag lang ang laro mo ng kahit 1 fourth ng isang segundo, wala na, pagbalik mo sa nilalaro mo, patay na nag character mo. Parang inaayos ng universe na gawin ang lahat para hindi ka manalo. Minsan pa talaga matatagalan pa ang pagbisita ng lag sa iyo, hindi ka lulubayan hangga't ikaw na mismo ang masiraan ng bait at mag l-log-out. Sayang ang effort mo'ng pagpapalebel kay Ashe sa LOL. 
  5. Yung kaibigan mong corny ang mga jokes - Hindi naman masama ang mag joke, pero kung sunod-sunod na mga corny na jokes, yung mga tipong hindi na nakakatuwa, yung tipong maasar pati na kaninu-ninuan mo, eh hindi na makatarungan yan. Ang mga taong ito, kailangan nang ilibing ng buhay o kaya naman palanguyin sa dagat na puno ng mga pating. Tignan lang natin kung sino ang nakakatawa ngayon.
Kung sa paasaran lang naman, eh huwag tayong pagagapi sa mga ganyan. Kung aasarin ka ng mundo, edi asarin mo balik. Para-paraan lang yan eh. Kung susunggaban ka ng corny na joke ng kaibigan mo, sunggaban mo ng kutsilyo o kung ano ba diyan para tumigil. Ikaw na bahala. Tandaan niyo, ang mundo ay parang isang malaking boxing ring. Kailangan mo'ng lumaban. Kung aasarin ka, asarin mo rin balik. Be creative. Apply what you learned in school.

Tuesday, January 22, 2013

Isang hardcore na hello post

Medyo may kalabuan talaga ang buhay, no? I mean, minsan merong mga instances in life na matutuwa ka, sasaya ka, gagalak ang puso mo to the point na pang telenovela na ang drama mo, tapos sa walang sabi-sabi bigla na lang mababaon ka sa lupa ng buhay, bigla ka na lang malulungkot, magkakaroon ng problema hindi mo alam kung saan nagmula o kaya naman biglang mag c-conspire sa iyo ang universe para lang bwisitin ka. Alam mo yun? Ang labo, mahmen.

Pero buti na lang kamo meron ibang tao diyan na despite the oddities of life, meron pa ring nakukuhang mga lessons at tina-transpire ito para maging makabuluhang bagay hindi lamang para sa kanya kundi pati na rin sa iba. Alam mo yun? Yung mga taong optimistic o kaya naman malalalim yung mga iniisip, kala mo natagpuan na ang lunas sa AIDS, CANCER at pagka bobo. Grabe, saludong-saludo talaga ako sa mga taong ganyan. Hindi kaya madali magpaka talino despite the roller coaster ride of life. Marami kasing mga factors diyan eh kung bakit tayo madaling madala. Pero sila, grabe. Kinakaya-kaya lang yung mga factors na yun, parang roasted highland legumes lang - maning-mani.

Ahm... So, ano... Yung mga taong yun, uhm... Kuwan, magaling sila. Magaling talaga kasi grabe kung mag-isip, pang outer space. Tapos, uhm... ano... Uhh...

Hello post lang naman dapat to, bakit ang hirap pa. Sige. Diyan na lang muna kayo.