Kahit ano talagang gawin mong matuwid sa buhay mo, meron talagang ibabatong pang-asar sa iyo ang mundo, no? Parang pinaparusahan ka ng mundo dahil wala lang, trip lang. Pampabwisit lang sa iyo kasi natutuwa ang mundo sa mga kabiguan at pighati mo. Siyempre, hindi naman magagawa ng earth ang mga pang-asar na ito ng kanyang sarili, diba? Matakot ka kaya kung siya ang gagawa niyan mag-isa, siyempre meron siyang mga agents na handang pahirapan ka, at ikatutuwa pa talaga nila. Narito ang iilan sa kanila:
- Epaloids - Eto yung mga taong saksakan ng epal. Laging papansin, laging nagpapalaganap ng sakit ng ulo, laging nakakainis. Sila yung mga nakakasama mong parati na lang namb-bwisit sa iyo araw-ataw - nangungutang, nakikisuyo, nang-aasar, nangangantsaw, nanlilibak, kahit ano na. Ang tangi nilang rason kung bakit sila pinanganak ay ang asarin ka sa buong buhay mo. Sila ang natural na kampon ni Taning na handang pasakitin ka habambuhay. Kasali na dito yung mga chismosa sa kanto, iilang pulitiko, aso ng kapitbahay mo'ng walang ibang ginawa kundi i-display ang yagbols sa kalsada, math teacher mo, pati na rin yung batang sipunin na nakikita mo sa simabahan every sunday. Grabe, yung bata, yung tumutulong sipon niya talaga, pang-asar - pure evil, I tell you. Pure evil.
- Yung konduktor ng jeep na nagpapasakay ng pasahero kahit puno na - Ito ata isa sa mga right hand ng panginoong ng kadiliman. Kitang-kita na kasi nila na punung-puno na ang jeep, tapos magpapasakay pa talaga ng isanlibo pang pasahero. Saan lupalop naman ng ka jeepney-han ilalagay ang mga yun, aber? Tapos sila pa minsan tong nagagalit na hindi daw umuusog ang mga pasahero para magbigay daan sa mga sasakay pa, eh itong mga pasahero na nga eh hindi na nakaupo ng maayos. Tatawa pa minsan kapag pinagagalitan siya, natutuwa ata sa kahirapan ng mga pasahero eh. Minsan ang sarap nilang tapunan sa mukha ng balat ng durian tapos ikikiskis ng buong puso para lang magtanda.
- Yung professor/boss mong panot - Meron talagang mga taong natutuwang ubusin ang pasensya at enerhiya mo kakabigay ng mga requirements tsaka trabaho eh, ano? Lalung-lalo na kapag nagbibigay sila ng mga karagdagang workload kahit hindi pa tapos yung ginagawa mo. Kitang-kita na nga nila na hirap ka na kakagawa ng trabaho, kakagawa ng project, halos buong gabi nagtrabaho na ka na, pati kaluluwa mo handa mo nang i-alay sa mga engkanto para lang mapabilis mo ang ginagawa mo, eto sila - nagpapakasaya, natutuwa sa hirap ng iba. Panira pa talaga 'pag napasa mo na ang ginawa mo tapos sasabihing nilang i re-reject ang project/work mo kasi tingin nila hindi binigyan ng effort. Ang sarap lang buhusan ng kumukulong mantika.
- Maderpaking LAG - Ikaw, pag hindi ka nainis sa lag kapag naglalaro ka, grabe, ikaw na ang diyos ng pasensya. Kahit mag lag lang ang laro mo ng kahit 1 fourth ng isang segundo, wala na, pagbalik mo sa nilalaro mo, patay na nag character mo. Parang inaayos ng universe na gawin ang lahat para hindi ka manalo. Minsan pa talaga matatagalan pa ang pagbisita ng lag sa iyo, hindi ka lulubayan hangga't ikaw na mismo ang masiraan ng bait at mag l-log-out. Sayang ang effort mo'ng pagpapalebel kay Ashe sa LOL.
- Yung kaibigan mong corny ang mga jokes - Hindi naman masama ang mag joke, pero kung sunod-sunod na mga corny na jokes, yung mga tipong hindi na nakakatuwa, yung tipong maasar pati na kaninu-ninuan mo, eh hindi na makatarungan yan. Ang mga taong ito, kailangan nang ilibing ng buhay o kaya naman palanguyin sa dagat na puno ng mga pating. Tignan lang natin kung sino ang nakakatawa ngayon.
No comments:
Post a Comment