Tuesday, June 4, 2013

What Makes A True Alpha?

Estimated Time: 11:12 pm - Sunday - June 2, 2013.

It's almost midnight and we're still on the road from our trip from Camiguin. Everyone was restless from the almost 12-hour trip, especially my dad who was (and always will be, as long as

he's capable) the designated driver of our vehicle. We had a 3-vehicle convoy, our car took the lead. I can tell that he was getting drowsy, tapping the steering wheel like it was a cajon or

some musical instrument just to fight back the drowsy spell. Out of concern, my sister asked my dad to pull over and let me drive instead so that he could rest and get a good sleep. We were

at the northern part of Davao, a few kilometers away from Francisco Bangoy International Airport, and from there I could drive us home safely. Dad however, did not pull over nor did he say

anything. He just continued driving.

After a few minutes of driving, dad finally pulled over to stretch, and so that my cousin who was riding on another other vehicle could transfer to our car. The vehicle that she was riding

was going to another route so she had to move to ours. Soon after, we were on the road again. Dad still drove the car. He was relentless, he always had his alpha male ego out. He couldn't -

wouldn't - be stopped. He still is a bit drowsy while driving. Sheesh. Good thing though we arrived at our house safe and sound after 30 minutes. Thank God for that. Home, finally.

If there's one thing I admire about my dad most is that he is the epitome of an ALPHA MALE - you know, the confident, charismatic, strong guy that every girl, gay or even guy wants to be

with? Well, he's that guy. It just so happens that.... ay pota. Nauubos na english ko. Tama na. Dugung-dugo na ilong ko. Pinoy time!!!

So yun, sabi ko nga kanina, yung tatay ko, isang napakalaking eksampol ng isang ALPHA MALE. Sa mga nabasa kong libro at sa mga kilala at mga kaibigan kong mga ALPHA, nagpapaka ALPHA at

nag-aakalang ALPHA, ang pagiging alpha daw kasi ang karuruk-rurukan ng isang pagiging lalaki. Lahat titingala sa iyo, lahat ng tao makukuha mo aura mo pa lang.

Itong tatay ko, punung-puno ng ka-ALPHA-han. Sa sobrang pagkapuno eh dumating na sa point na nakakainis na. As in yung hindi na siya ALPHA, JERK na. Hambog. Feeling alam lahat. Parang ganun.

Sa tingin ko, ito kasi si father, sa tingin niya eh dahil mas matanda siya, at mas may experience, akala na niya siguro eh alam na niya ang lahat ng bagay sa mundo. Kesyo mali daw tong bagay na to, kabobohan na. Kapag hindi sinunod yung gusto, namali, katarantaduhan na nung gumawa. Tapos masasaktan pa feelings niya bigla pag nagkwento siya tapos babarahin ni mother. Tampo agad. Hindi magsasalita. Pero yung ayoko sa lahat, biglang iinit ang ulo niya tapos sisihin ang ibang tao kahit siya naman yung mali. Ewan. Dahil na din siguro yan sa kanyang dugong Waray na galing sa mama niya. Psh.

Don't get me wrong. Hindi ko naman sinasabing hindi ko gusto father ko. Sa katunayan, love ko kaya dad ko. Ang galing kaya niya mag provide sa mga needs namin. Hindi siya gaya ng ibang tatay

diyan na papabayaan na lang ang mga anak nila para gumala sa kanto at lalaklak ng alak buong magdamag. Hindi ganyan dad ko. Actually nga, wala siyang bisyo eh. Hindi marunong uminom,

hindi naninigarilyo, at walang record ng drug abuse. Higit sa lahat, wala akong naitalang record sa isip at puso ko na sinaktan niya kami ng ate ko physically. Walang palo, walang hampas ng

sinturon. WALA. As in wala. Medyo masakit nga lang magsalita pero alam naman nating lahat ang technique niyan diba? Parang FIFO algorithm lang yan. First in, First out sa tenga ang mga words.

Napaisip ako tuloy, ano nga ba ang tunay na ALPHA? Pero more importantly, ano ang tunay na lalaki? Sila ba yung atapang-atao, wala a-takot? Sila ba yung mala bruno mars na mag j-jump in front of a train for you? Sila ba yung hindi nagpapayong at nag-a-apply lang ng SPF 40 sunblock lotion kapag lumalabas ng bahay sa ilalim ng isang napakainit na sikat ng araw? Sila ba yung go pa rin ng go kahit alam na nilang lampas na sila sa limit nila? Sila ba yung mga nag g-gym at nagpapalaki ng maskels sa katawan, at nagpapa abs para ibigin? O sila ba yung andami ng mga babaeng pinadaan sa kanilang mga kamay, pinaabig, tinira, biniak ang puso at iniwang luhaan at sugatan? Hmmm....

Pero ito lang ang alam ko. Base sa experience ko sa mga taong nakahalubilo ko - mga ALPHA, mga PUA, at pati na sa mga kaibigan ko, sa tatay kong halos parating galit at umiinit ang ulo, at sa

lahat ng kantang narinig ko mula kay Bruno Mars, hindi sukatan ang muscles sa pagiging lalaki. Hindi sa dami ng babaeng naihiga at natira sa kama ang batayan sa pagiging alpha. Hindi pagiging matapang sa ano mang bagay ang kahulugan ng tunay na lalaki. At hinding-hindi sila bumibiyak ng puso ng sinumang babae. Kahit kailan.

Kung magkakaroon man ako ng anak na lalaki sa near future, ito ang iilan sa mga ibibilin ko sa kanya:

Huwag na huwag siyang magpapaiyak ng babae. Kung kailangang siya ang magpatahan, gawin niya. Dapat niyang alalahanin na ang bawat babae ay parang ina na rin niya - Ginagalang. Nirerespeto.

Alagaan din sana niya ang kanyang ina at ang kanyang (mga) kapatid na babae (if meron). Kapag wala ako, siya ang tangi kong aasahan.

Huwag umastang matapang always. May kinalalagyan ang tapang. May tamang lugar. May tamang oras. Hindi sa lahat ng minuto eh naka on ang switch kanyang tapang. Matuto dapat siyang

magpakumbaba, umamin ng kasalanan, at higit sa lahat matakot - sa mga nakakatanda sa kanya, sa mga maaring magawa niya, sa mga maaapektohan niya at higit sa lahat, sa Diyos. Okay na rin ang

ipis. Walang lalaki ang hindi natatakot sa lumilipad na ipis.

Huwag lumaki ang ulo. Di porke't mas matalino ka sa iba, aapakan mo na ang katalinuhan nila. Ikaw ang matalino, ikaw dapat ang unang hindi humusga. Sa una mahirap pero malalaman niya rin yun.

Huwag humanap ng away. Ang kamao niya, ang katawan katawan niya ay templo ng Diyos. Ang katawan nating lahat, isang templo. Huwag siyang maghanap ng gulo. Kung may makaka engkwentrong away,

gawin niya dapat ang lahat na lumayo sa panganib. Gumitin niya sana ang kanyang utak at hindi ang kanyang kamao. Gamitin lang sana niya ang kanyang lakas kung kinakailangan at wala na

talagang magawa. Pero kung maaagapan pa, gamitin ang utak at bibig.

Manalangin. Walang mas nakakahigit pa sa isang mataimtim at malakas na panalangin. Kausapin sana niya ang Diyos ng madalas dahil siya lang ang may kakayahang gumabay sa kanya sa tamang daan.

Narito man kami ng nanay niya sa kanyang tabi para maging gabay, ang Diyos parin ang nakakaalam kung ano nararapat.

Psh. Drama. Pero sige na nga lang. Bayaan niyo na ako.

Ako, inaamin ko sa sarili ko, hindi ako Alpha. Hindi ko pa alam ang kahulugan ng isang tunay na lalaki. Wala pa ako sa kalinkinan ng pagka ALPHA ng tatay ko. Kakaunti pa lang ang nalalaman

ko. Pero itong mga nalalaman kong ito, gagawin ko na lang itong gabay, o kaya basis. Sa Panahon ngayon, hindi naman natin malalaman kung sino talaga ang tunay na lalaki eh. Puso-puso na lang,

sabi nga namin nga mga kaibigan ko. Pero pwede na rin to. Wala naman talaga atang requirement para sa pagiging tunay na lalaki eh. Basta't responsable ka lang at alam mo ang ginagawa mo, at may nakabitay sa gitna ng mga paa mo, eh matuturi ka nang isang tunay na lalaki.

No comments:

Post a Comment