Monday, June 10, 2013

Back to School na... sila...

Sa mga private school, ngayong araw na ito ang simula ng bagong klase. I'm sure maraming excited diyan - lalung-lalo na yung mga mag c-college na at yung mga umaasang g-gradweyt na sila sa college. Sino nga ba naman ang hindi?

Madami na akong nakikitang mga posts sa facebook at twitter tungkol sa kanilang mga experiences sa frist day of school. New classmates, new crushes, new teachers, new enemies, new subjects, new surroundings, at iba't-iba pang new na nandyan. Kahit nga mga beteranong college people diyan, yung mga mag S-SUMA at mag M-MAGNA... SUMAsampung taon at MAGNA-nine years na sa college eh meron ding sariling mga first day of school experiences. Walan katapusan ang new-new na yan. Sabi nga nila, there's always a first time, kahit sa mga may kararanasan na.

Pero hindi para sa mga may pasok at bagong pasok ang post na ito. Andami na kaya nilang mga posts sa mga social media sites, sasali pa ba 'to? Huwag na oi! Ang post na ito ay para dun sa mga nag move on na sa school, mga mag m-move on pa lang at dun sa mga medyo clingy na ayaw mag move on. Alam ko na alam nating lahat na alam din ng iba na ang sarap i reminisce ang first day of school, o kahit yung mga everyday experiences nung nag-aaral pa tayo. Sa mga ganitong edad kasi, nagsisimula na yung reminisce2x. Kumi-clingy na. Tumatanda na kasi.... :/

Anyway, naaalala niyo pa ba yung unang araw ng pasok niyo? Kasi ako, medyo malabo na. Pero sa pagkakaalala ko eto yung time na pinaka excited ako. Of course, sino nga naman ang hindi ma e-excite sa unang araw sa college, eh sabi nga nila college is the best fun you can have after high school. Dito sa college, dito na yung ultimate saya, dito na yung experiment kung experiment, dito wala kang matatagpuang drama, unlike nung sa highschool na pwede ka nang sumali sa audition ng Miss Saigon o kaya ng The King and I, mananalo ka pa ng best actor/actress, o kaya best supporting actor/actress nang walag ka effort-effort. Sa college, you can be who you want to be. Tama nga naman sila. Dito ka talaga sa college mag b-bloom.

Ako kasi, ako talaga pumili ng course ko. Walang kahit anong external factors kung bakit ko pinili ang course ko gaya ng "Sabi ng parents ko, mag d-doctor daw ako eh... So I chose Bio muna...", o  kaya "Sabi ng parents ko, mag l-lawyer daw ako eh... So I chose Pol Sci muna", o di naman kaya "Kasi andun barkada ko sa engineering. So I chose engineering na." IT talaga ang choice ko. Sinubukan ng parents ko na ibahin yung choice ko ng konti pero wala eh. Lakas ng tama ko sa IT eh. Pero buti na nga lang kamo eh natuloy ako sa first choice kasi kung hindi, baka mag M-MAGNA na din ako sa college. Kitams mo din nga naman, grumadweyt pa talaga akong Cum Laude. Hehe.

No Joke. Seryoso.

Pero reminiscing the past, yung first day talaga yung epitome of all excitement sa college (except sa graduation. Epitome of all excitement sa college din yung graduation). Kasi, pagpasok ko pa lang sa Roxas gate ng Ateneo, bumalandra na agad ang mga naggagandahan at nag s-seksihang mga chiks. Wow. Hanep. Naisip ko tuloy sa sarili ko, "This is it! Eto na talaga! Bloom na kung bloom! College, andito na ko", and all that shit. At pagpasok na pagpasok ko pa lang sa first class ko, siyempre, hindi ko kilala ang mga taong andun. Andaming mga bagong faces. Andaming mga naggagandahan at naggagwapuhang mukha. Napaisip tuloy uli ako, "Hnnnnnnngg.... "

Pero siyempre, bilang isang nanggaling sa Ateneo highschool, taas pa rin ang Atenean pride, pero with humility na may halong harot. I remember the first few people I talked to were two ilongga girls na mag friends since highschool, and one girl from Baganga who was back then still 14 years old. 14 years old siya, mga kaibigan, at nasa college na siya. Sa pagkakaalala ko, yung si 14-year old girl na yun ang naging kasa-kasama ko sa school everyday since then. Sabay kami nag l-lunch, sabay kami nag-aaral, sabay din kami umuuwi. Anlapit lang pala kasi ng bahay namin sa each other. Pero before this turns to a love story, sasabihin ko na sa inyo, walang nangyaring "ganun" sa amin. We ended up just being friends because well... I was being a jerk.

ANYWAY....

Yung mga first few people na na mention ko, throughout the course of my college life, nawala sila. Isa-isa. yung isa after first year, di na nagparamdam. Yung isa dahil sa isang Kleptomaniac issue, di na nagpakita sa amin, Yung isa naman... Yung isa naman lumipat ng ibang school dahil ata sa akin. Pft. Drama. Pero all is well. Kahit wala na kaming communication sa each other, sa tingin ko naman we still remember each other. *Insert madramang kanta*

Naaalala ko rin, nung unang araw ng college, wala akong kasabay mag lunch. Solo trip kung baga. Pero buti na nga lang habang naghahanap ako ng mauupuan sa cafeteria, nakita ko ang dalawa kong friends from highschool. Good thing same school kami ng pinasukan kasi kung hindi, emo-emohan ang drama ko that time. Mas malala pa sa MMK yung masusulat ko.

And other few "new" things pa na na remember ko nung first day of school eh yung pagkakilala ko sa isang classmate na hindi na rin namin nakasama after first year. It turned out na isa pala siyang sikat na blogger. You guys know Kevin Pacquet? Yep, naging classmate ko siya for a sem ata or a year. Di ko na alam saan siya ngayon. Posts sa FB na lang niya ang nakikita ko. But recent news I heard, he is going to conduct a workshop on wordpress. Hanep. Bigatin si friend.

Tapos andun din yung ma d-differentiate mo talaga kung sino yung mga higher years sa mga freshies kasi yung mga first years, naka civillian pa. Eh, yung mga "ate's and kuya's" naman, naka school uniform na. Meron din namang mga first year na naka school uniform na pero klarong-klaro pa ring first years sila dahil sa kanilang suot na temporary ID. Palusot pa talaga. Pero ako, loud and proud. Civillian kung civillian. Hindi ko pa kasi nakukuha that time yung pinatahing uniform. Tiis-tiis muna tayo. Hehe.

Actually, madami pa akong mga "new" things nun eh. Andami kong mga "FIRSTS" na gusto kong sabihin kaya lang medyo kinakalawang na yung memory ko. Andami nang memory gaps. At total, nag r-reminisce lang din naman ako, ititigil ko na rin to bago ako maging ultimate "clingy-ngero". Gradweyt na ako eh. May trabaho na ako. Medyo kumi-clingy nga lang. Nakiki-uso lang din sa mga may bagong pasok at sa kanilang mga "First Day of School" posts. Nakaka miss lang ang school days. Konti.

Clingy.

Pero anyway, kailangang mag move on para sa ikauunlad ng Inang Bayang Pilipinas. Kaya move forward, mga clingy! Tama na ang ang pag reminisce ng first day of school! May trabaho pa tayo bukas!! (Para sa mga employed. Para naman sa mga wala pang trabaho, move on- move on din tayo pag may time ha!?)

No comments:

Post a Comment