Isa din sa nagustuhan ko sa tumblr dati eh yung pagkakaroon ng dashboard na makikita mo lahat ng fina-follow mong tumblr blogs. Meron din kasi siyang parang social networking churva, parang twitter na may pa follow-follow na scheme. Actually, sa tingin ko nga, mukha lang siyang pinalaking twitter. Mas madami nga lang ang masasabi mo. Kumbaga isahan na lang. Pero higit sa lahat, nagustuhan ko ang tumblr dati dahil may SENSE pa ang mga post ng mga bloggers doon. Ngayon, parang ewan na yung iba. Nabibilang na lang sa mga phalanges ko yung mga natitirang tunay na nag b-blog.
Kasi tingnan mo, friend ha. Dati-rati, kapag binubuksan ko ang aking tumblr account, ang gaganda ng mga nababasa ko - mga hinanaing ng mga bloggers about their adversities in life, mga pictures ng mga exciting moments nila sa kani-kanilang mga trips sa buhay along with some explanation, mga baon-sa-hukay-deep thoughts about existence, mas marami pang pictures tungkol sa kanilang buhay, movie reviews, nakakatuwang sharings tungkol sa purpose ng kanilang life at kung anu-ano pang mga posts na masasabi kong sensible. Ngayon, tsk. Parang awa, ramdam ng mga adipose tissues ko na wala nang kwenta ang iilan sa mga posts na nakikita ko sa tumblr. Para na rin siyang nagiging facebook sa dami ng mga ka-ewan-an. Sayang na sayang.
Gets ko naman din na ang pag b-blog ay pag e-xpress ng iyong feelings through a post. Pero what's happening in tumblr right now is that, it's not anymore about expressing one's feelings through a post, rather, people are posting to be famous. Pagandahan na lang ng post at masasabi. Pabonggahan ng mga salita. Pa-amaze-an ng mga edited pictures. Padamihan ng likes, reblogs and shit. Ano yun? Art and Literature Museum? Akala ko ba blog site?
Okay, maybe medyo reaction paper ako about that pero looking at the posts there, right now, I don't know. Maybe dapat matagal na pala akong lumipat from tumblr pabalik dito sa blogger. I was here first before tumblr even existed, anyway.
Teka, bitter ba kamo because I was a nobody there? Wala masyadong nag l-like sa mga posts ko? Not much reblogs? No one really reads? Nah. Not really. Okay lang naman sa akin eh. I just don't like the fact na people are actually using such a blogging site to gain fame or whatever. I know there are some of those they call TUMBLR FAMOUS who deny that they are called famous, and say that they're not really that famous, and TUMBLR FAMOUS doesn't really exist. Yung iba, down to earth, yung iba naman sinasabi lang yan to gain more fame at magpabango sa kanilang followers. Pero meron talagang iba na ang nasa utak lang talaga is yung pagiging famous. Teka mga parekoy, kung ginusto niyo talagang sumikat, edi sumali na lang sana kayo sa mga star search o kaya ano, pumila sa ABS-CBN o kaya sa GMA o kahit saan ba. Magmakaawa kayo sa mga tao doon, lumuhod kayo kung gusto niyo, para gawin kayong artista para at para sumikat kayo. Kayo na bahala. Huwag niyo lang talagang gawing avenue of katarantaduhan ang isang may malaking potential sanang blog site. Nawawala yung essence ng blogging eh.
Now, I'm not saying na TUMBLR today is panget or wala nang kwenta. It's just that tumblr, due to its becoming too mainstream eh halos nagiging mainstream na rin doon yung ka epal-an ng mga tao. Kumbaga, yung ka epal-ang yun eh parang virus, naglilipat-lipat from one site to another. Parang unang dumapo sa friendster, tapos sa facebook tapos sa tumblr tapos bukas siguro, lalaganap na yun sa kung saan-saan pang mga sana'y magagandang sites. Huwag naman po sanang dumapo sa youjizz. Ay, kay pait ng kapalaran 'pag nagkataon... oops!
Pero I'm not losing any hope I have left for tumblr. I know meron pa ring mga natitirang matitino ang pag-iisip at tunay at matapat ang hangarin sa tumblr. I know some people there who really do and I hope they don't get lost. I've been in tumblr for a couple of years and I've seen its transition from good to bad, but I can still see some light. I'm not losing any hopes yet. But as for now, dito muna ako sa blogger kasi dito I don't get to see the bullshit and the drama I often see in tumblr. Might be good for my health too. :)